Wednesday, October 31, 2012

Digital Boredom--


Recognizing a page on Facebook named Hindi Dahil Naka-DSLR Ka, Photographer Ka Na; this line really got highlighted on my mind. :)

Mga atsey, mga koya, hindi lahat ng naka-dslr ay photographer. 

HINDI PO PENDANT ANG DSLR. Sa grocery store, department store at maging sa mga sari-sari stores nationwide, may makikita kang naka-pendant ng pagkabigat-bigat na dslr.
Tandaan: hindi lahat ng naka-pendant ng dslr ay photographer. Trip lang. Ganyan.

10,986 PHOTOS POSTED. Atsey! Koya! Sa sobrang hectic ng timeline ko, hindi ko na ma-eenjoy tignan ang mga kuha mo sa dslr mo. Kung makapag-upload ka naman, WAGAS! 
Pati mga pictures na out of focus, pictures na may nakapikit at di mo mawari kung nababahing o nauubo, pinost mo pa.. Pati mga events sa buhay mo like: ang pagluluto mo ng adobong baboy, ganyan.. na wapakels naman ang sambayanan, naka-public pa ang settings.. Awat atsey! Koya! Pwede mo namang bawasan.. Para maging 10,984 na lang, di ba? Chos!

INSTA-WHAT? Atsey, Koya, tama ka. Ang tawag diyan sa app na iyan ay Instant Noodles. Che! Instagram. Parami ng parami ng population ng mga mobile users ang sumusubscribe sa Instagram. Why not! Pityur-pityur to the max anywhere, everywhere! 
Pero HUWAG ITONG ABUSUHIN. What do i mean? Atsey, Koya, i believe that instagram must be an expression of your creativity. Hindi lahat ng bagay ay napapaganda ng instagram.. tipong: i checked in at like this -- and omg! their tissue paper is so soft.. tapos pityur-pityur, ganyan.. oh no no... exercise your ko-ko-te. Be creative.

WALA SA CAMERA YAN. NASA GUMAGAMIT NG CAMERA YAN ATSEY KOYA. Lahat ng camera ay may kanya-kanyang special settings. Kahit point and shoot camera na kasing tanda ng maong mong ambel na size 27, may ibubuga kung alam mo itong gamitin under the right subject, right lighting and right timing. Yes, oh yes. Pwidi ito mga atsey, koya. Kaya may sinasabing research.. para gumana ang neurons. 

Hindi ko kailangan ng ampalaya-- o pinapaitan. Hindi ako bitter sa mga may dslr. Mayroon din ako niyan. Ang mga naisulat ay pawang mga opinion lamang. Ang tamaan ay pangit.






No comments:

Post a Comment