Thursday, November 1, 2012

Fractice Makes Ferfect: "Oppa Macro Style"

Mga atsey, mga koya.. Ang WEIRD ng title aning? Pero oo, "pwedeng-pwedeng maging weird" sa inyong macro shots. Oha, akala niyo nalilihis ako sa topic?? Photography tips pa rin ang mga ito.

Ayon sa diksyunaryo, ang MACRO ay: "something of large scale, great, excessive". sa Tagalog, malaki. 


Be warned pa rin, mga atsey, koya, ang macro ay, sa totoo lang, mga "weird" BUT "creative" shots. So, katulad ng mga nauna kong blogs, HINDI PO TALAGA LAHAT NG NAKA PENDANT NG DSLR AY PHOTOGRAPHER.

Since trending naman ang photography--sing trending mo sa puso ko; at para hindi naman masayang ang iyong Pendant, may mga iilang tips ako para sa iyo atsey, koya (kung may guts kayong maniwala sa akin haha)..

Napansin ko na ang mga palong-palo sa merkado na mga subjects ay iyong mga kuha in Oppa Macro Style.. tulad nito.



ito ay isang macro shot ng dahon ng oregano
Ops! Huwag mag-alala, hindi niyo kailangan ng mga mamahaling insertions sa inyong mga camera. Mayroong setting ang inyong camera na usually magnifying lens ang itsura. Pihitin ang nob at itapat dito.

Ngunit kung gusto niyo namang medyo mas okay sa olrayt ang inyong shots, no need to worry about spending ng bonggalore. May mga nabibiling filter extensions na kering keri ng budget mo.

>>>Tip lang sa mga gagamit ng macro lens filter extension, dabest ang manual settings for this shot.

May nakikita akong jelly macro lens sa CD-R king and other online shops at ito'y parang sticker lens na maaari ninyong ikabit sa may camera ng inyong mga cellphone; dahil kung maalaala niyo kaya, ang cellphone man ay may camera din.

Maaari ka nang pumili ng iyong subject. Pwedeng-pwedeng maging weird atsey. Walang dapat ipag-alala.

>>>Tip: mas mainam na plain ang background ng inyong subject.

I-focus ang inyong mga pendant sa subject at dapat ay hindi SHAKY sa pasma ang inyong kamay (mas shaky pa sa relasyong on the rocks) -- OR ELSE: GUMAMIT NG TRIPOD.

Ready ka nang magpoint and shoot atsey, koya! 

Fractice makes Ferfect! APIR!