Wednesday, October 31, 2012

"HINDI PO PENDANT ANG DSLR"-- Fart 2

Dahil hindi ako mapakali sa paghihintay habang nagrerender ang aking animation, naisip kong maglabas nang muli ng saloobin.

Bilang sequel ng "HINDI PO PENDANT ANG DSLR", magbibigay po ako ng ilang tips (para sa mga naniniwala), upang ma-improve ng kaunti at lumevel up ang inyong DSLR experience. Simpleng simple lamang po ang mga ito.


1. DAPAT MAYROON KANG CAMERA

Naman ate, koya.. Useless ang tips ko kung wala kang camera.

2. READ.

Hindi po ito yung kulay ng cheekbones na nasobrahan sa blush on.
Kailangan po natin basahin ang manual o instructions ng ating camera units. Mapa-dslr man yan, point and shoot o kahit Analog. (Analog Rocks!). Marami ang nakukulong dahil sa kamangmangan. Read. And be informed. Ganyan.

3. PRACTICE.

Parang panliligaw lang yan. Hindi ka matututo kapag hindi ka nababasted. AT-- hindi ka mababasted/sasagutin, pag hindi ka nanliligaw. Gets?
Kailangan natin practice-in ang pagkuha ng mga litratong masarap sa paningin. Magbasa at matuto itong i-apply sa pang-araw araw mong portfolio.

4. HUWAG MA-PRIDE.

Bakit? Kailangan pa rin nating matuto mula sa mga beteranong manlilitrato (photographer). Mas masarap nga matuto sa kanila kesa bumili ka ng pagkamahal-mahal na magzines tungkol sa pagiging photographer.

5. CELLPHONE MAN AY MAY CAMERA PA RIN.

Credit goes to Sir Lito Tesoro- one of my idols in photography. Ayon sa kanyang matalinong payo, hindi kailangan ang mamahalin at mabigat na camera (unless may budget ka)-- kahit ano talaga pwede. Kailangan lang ng tiyaga na aralin kung anung technique ang maganda para sa isang camera-- depende sa subject, ilaw, etc.

6. MAY ANALOG CAMERAS PA-- AKALA MO LANG WALA NA.

Nung araw na masipag pa akong gumala kung saan-saan, ginagalugad ko ang mga thrift shops ng Baguio City- dito ko natagpuan ang mga lumang film cameras na konting linis lang ay okay sa olrayt na.
Yes atsey, yes koya, FILM cameras. Ito ay yung mga de-kwerdas na mga camera na ninuno ng mga nauusong pendants ngayon.
Hindi mo ma-gets, bagets? Eto ang itsura nila.
oo, ako nga ito-- at ito ang film camera ko.
7. ENJOY.
Kung minsan, hindi mo naman kailangang pansinin ang mga tips ko. Dahil gaya mo, hindi rin ako magaling na photographer. Pero, kung mahal mo talaga ang photography at nag-eenjoy ka, lalabas naman ito sa iyong mga kuha. The pictures will paint a thousand words (and why can't i paint youuuuuu)...

Ang mga naisulat ay pawang opinion lamang. Atsey, Koya... pwiding i-ignore ang mga sinabi ko, pero dabest pa rin kung gagawin ang steps 1-7 :)). APIR!







Digital Boredom--


Recognizing a page on Facebook named Hindi Dahil Naka-DSLR Ka, Photographer Ka Na; this line really got highlighted on my mind. :)

Mga atsey, mga koya, hindi lahat ng naka-dslr ay photographer. 

HINDI PO PENDANT ANG DSLR. Sa grocery store, department store at maging sa mga sari-sari stores nationwide, may makikita kang naka-pendant ng pagkabigat-bigat na dslr.
Tandaan: hindi lahat ng naka-pendant ng dslr ay photographer. Trip lang. Ganyan.

10,986 PHOTOS POSTED. Atsey! Koya! Sa sobrang hectic ng timeline ko, hindi ko na ma-eenjoy tignan ang mga kuha mo sa dslr mo. Kung makapag-upload ka naman, WAGAS! 
Pati mga pictures na out of focus, pictures na may nakapikit at di mo mawari kung nababahing o nauubo, pinost mo pa.. Pati mga events sa buhay mo like: ang pagluluto mo ng adobong baboy, ganyan.. na wapakels naman ang sambayanan, naka-public pa ang settings.. Awat atsey! Koya! Pwede mo namang bawasan.. Para maging 10,984 na lang, di ba? Chos!

INSTA-WHAT? Atsey, Koya, tama ka. Ang tawag diyan sa app na iyan ay Instant Noodles. Che! Instagram. Parami ng parami ng population ng mga mobile users ang sumusubscribe sa Instagram. Why not! Pityur-pityur to the max anywhere, everywhere! 
Pero HUWAG ITONG ABUSUHIN. What do i mean? Atsey, Koya, i believe that instagram must be an expression of your creativity. Hindi lahat ng bagay ay napapaganda ng instagram.. tipong: i checked in at like this -- and omg! their tissue paper is so soft.. tapos pityur-pityur, ganyan.. oh no no... exercise your ko-ko-te. Be creative.

WALA SA CAMERA YAN. NASA GUMAGAMIT NG CAMERA YAN ATSEY KOYA. Lahat ng camera ay may kanya-kanyang special settings. Kahit point and shoot camera na kasing tanda ng maong mong ambel na size 27, may ibubuga kung alam mo itong gamitin under the right subject, right lighting and right timing. Yes, oh yes. Pwidi ito mga atsey, koya. Kaya may sinasabing research.. para gumana ang neurons. 

Hindi ko kailangan ng ampalaya-- o pinapaitan. Hindi ako bitter sa mga may dslr. Mayroon din ako niyan. Ang mga naisulat ay pawang mga opinion lamang. Ang tamaan ay pangit.